Top 8 Local Carinderia Favorites

food collage

Kapag walang makain sa bahay o kaya walang dalang baon sa trabaho at school, to the rescue palagi satin ang mga suki nating carinderia. Paano ba naman kasi, murang-mura na, masarap pa. Pwedeng take out at pwede ring dine in. Kaya hulog ito ng langit sa mga tamad magluto at sa mga busy mommies na walang time magluto.

Balikan ang mga paborito nating chibugin sa mga local carinderia sa Pilipinas sa aming OFW website:

 

1. Adobo

adobo

Adobo is from the Spanish word adobar meaning “marinade,” “sauce” or “seasoning”. In every region of the country may iba’t-ibang version ng adobo at hindi kumpleto ang menu ng karinderya mo kung wala nito.

 

2. Sinigang

Sinigang

Kung gusto mo naman ng may sabaw, higupin ang maasim na sabaw ng sinigang. Mamili ka lang kung sinigang na baboy, baka, o hipon ba? Ikaw na bahala kung ano ang taste mo.

 

3. Sisig

Sisig

Ang sisig ay kadalasang siniserve with sizzling plate kaya di ka pa nakakasubo ay napapalunok ka na paparating pa lang sa mesa ang order mo. Langhap sarap! Paborito rin itong pulutan ng mga nag-iinuman sa mga kanto.

 

4. Bicol Express

Bicol Express

Kung ginataan ang hanap mo sa iyong tanghalian perfect sa panlasa mo ang Bicol express, hindi lang malinamnam may kakaiba pa itong sipa dala ng siling haba.

 

5. Menudo

Menudo

Isa ito sa popular dishes ng mga Pinoy kaya di pwedeng mawala ito sa menu ng mga kainan. Ito ang dish na binansagang “walang kamatayan” kumbaga hindi nalalaos, laging bida saang sulok ka ng Pilipinas mapunta.

 

6. Laing

Laing

Laing is a Filipino dish composed of dried taro leaves and coconut milk. Ito ay isa sa mga specialty ng Bicolanos. Maaaring haluan ito ng karne o di kaya daing na isda. Masarap at malinamnam!

 

7. Pritong Galunggong

Pritong Galunggong

Kung kasikatan lang din ang pag uusapan, itong si GG na siguro ang nasa top one kasi lahat kilala ito. Malaman at hindi matinik kaya tiyak magugustuhan ng mga bata at matanda pati na mga anak ng galunggong. Perfect na kapartner ng munggo!

 

8. Tinolang Manok

Tinolang Manok

Ang Tinolang manok is a refreshing chicken soup na ginisa sa bawang, sibuyas at luya na nagbibigay na kakaibang lasa sa sabaw nito. Healthy din ito dahil sinasahugan ito ng papaya at dahon ng sili o di kaya dahon ng masustansyang malunggay.

Ano, nagutom ka ‘no?

 

If you enjoyed reading this post in our OFW website, don’t forget to share it by clicking below! Follow us on Facebook at https://www.facebook.com/OFWIntl/, on Twitter at www.twitter.com/ofwfiles and on Instagram at www.instagram.com/ofwfiles.

 

About the Author

Carol is a plain housewife and a mother of two giants. She is a graduate of Bachelor in Agricultural Technology. She is most passionate when it comes to the art of cooking and loves to experiment with new recipes. She is, as many people say, a positive thinker and has a great sense of humor.

Comments

comments

Find out More