SSS: PENSYON SA UNANG LINGGO NG MARSO MAAARING MAANTALA

ofw international

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ilan sa mga pensiyonado nito ang maaaring makaranas ng pagkaantala sa pagtanggap ng kanilang buwanang pensiyon ngayong Marso dulot ng pagsasaayos sa E-disbursement System nito na naging dahilan ng pagkaantala ng paglalabas ng pondo sa mga bangko.

Gayunpaman, tinitiyak ng SSS sa mga pensiyonado na maaaring maapektuhan na matatanggap nila ang kanilang buwanang pensyon simula Marso 6. Humihingi rin ng pang-unawa ang pension fund sa naidulot na abala ng system enhancements na layuning makapagbigay ng mas maayos na serbisyo.

SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

About the Author

Kung ikaw ay Overseas Filipino Worker (OFW), migrant worker, o may kamag-anak na nasa ibang bansa, this is your online community. Sa OFW International mo mababasa ang teleserye ng buhay OFW na nakaka-inspire, nakakaiyak at nakakatawa. Nandito din ang mga OFW stories ng pakikipagsapalaran para maabot ang pangarap at mga pagtitiis para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Comments

comments

Find out More