With P1000 or Less You Can Treat Misis In These 10 Amazing Restaurants!

Wild Poppy Restaurant

No doubt you miss dating your Misis. Ilang taon mo ba namang tiniis maging Pinoy working abroad?  Kaya naman deserve niya talaga ang isang bonggang date na swak pa rin sa budget, hindi ba?  Heto na nga at tinulungan ka na naming maghanap ng mga kakaibang restaurants with your P1000 or less na budget.

 

1. Happy Garden Cafe

Kung kayo ay couple na health conscious, dito mo na dalhin si Misis dahil no need to panic, it’s all healthy and organic here in Happy Garden Cafe. Talaga naman magiging happy kayo sa kanilang mga menu kagaya ng Awesome sandwich at Serene pasta na below P400.00 lang o ang kanilang Rejuvenated Salad at Immortal Main na below P500.00 lang.  

happy garden

happy garden restaurant

 

2. Tilde Hand Craft Cafe

Homemade soup, pastas and fresh-from-the-oven breads and sandwiches, heto lang naman ang mga sikat na pagkain sa Tilde Hand Craft Cafe. Hindi ba’t mae-excite si Misis kung mapapahinga naman siya sa kakaluto at makakatikim ng mga homemade food ng Cafe?  

Tilde Hand Craft Cafe

 

3. Wild Poppy

Busy sa umaga and you want to chill sa gabi? Dito mo na i-date si Misis kung ito ang pangarap mong date  para sa kanya!  Sa rooftop ito mga Mister pero puwede kayong mag enjoy outdoor or indoor man.  Nai-imagine mo na ba? Kikiligin talaga si Misis habang inoorder niyo ang kanilang mga popular dishes na below P500.00 lang per dish  kagaya ng Ping Pongs, Pokpok bites at Pad tides.

Wild Poppy

Wild Poppy Restaurant

 

4. Dinner on 16th

Complete from burgers to waffles to gourmet chicken to rice plate kebab, wow ha!  Saan ka pa!  Grabe ka Dinner on the 16th at talaga yatang nang-eenganyo ka ng mga lovers!  Sa kanilang black and white tiles at bright red booths na interior—- Mister, talaga namang masasabihan ka ni Misis ng “I love you” nang paulit-ulit!

Diner on 16th

 

5. Braska

Akalain mo nga naman, Si Pareng Poch Hogar na Executive Chef ng Braska ay pinaglaruan ang mga karaniwang lutong Pinoy kagaya ng Longanissa Meatballs at Short Ribs Caldereta.  Magiging curious si Misis sa mga dishes sa Braska at siguradong bida ka dahil sa pag date mo sa kanya sa ganitong lugar. Sa kanilang below P500.00 na sosyal Pinoy dishes, babalik-balik ka talaga sa Braska!

Braska

 

6. Chibo Okonomiyaki

Okonomiyaki in Teppanyaki style ang peg ng Chibo! Kung gusto niyong mag-asawa na maiba naman, heto na talaga!  Assorted Teppanyaki  (P480) at cheese yaki  (P280) ang  mga samples na magpapatakam sa inyo ni Misis!

Chibo Okonomiyaki

 

7. Spoon Eat + Drink

Para sa intimate date niyo ni Misis, go ka na sa Spoon Eat + Drink. Kumpleto mula sa appetizer to main dish to dessert ang bagong magiging tambayan niyong mag-asawa.

Spoon Eat + Drink

 

8. Kandle Cafe

Bakit hindi niyo sampulan ang mga simpleng tinapay at kape sa Kandle Cafe? Ooopps teka, hindi nga pala simple ang mga kape kagaya ng blended third-wave coffee at mga sweet pastries at Bulgogi sandwich nila pero swak pa rin sa budget. Bakit nga ba hindi sa affordable pero sosyal na Kandle Cafe? Bibilib talaga sa iyo si Misis!

Kandle Cafe

 

9. Empingao

Here, you can order their Latin-American food na swak sa budget niyong P1000!  Hola tacos, cubanos and empanadas para esposa ang peg mo Mister! Yummy food plus distinctive ambiance = perfect date!

Empingao

 

10. Bean & Yolk

Coffee na lang ba, dear? How about eggs cooked in different ways?  They got Lucy, Flat white, Chorizo Mama and Iced hand brew and tell you, we are talking eggs and coffee here.  Curious ka na ba?  Sa kanilang airy space and comfy place, okay na okay kayong magbulungan ng mga sweet nothings niyo dito ni Misis.

Bean and Yolk

Bean and yolk cafe

 

 

For more tips and stories for the Pinoy working abroad, please make sure to follow us on Facebook at https://www.facebook.com/OFWIntl/, on Twitter at www.twitter.com/ofwfiles and on Instagram at www.instagram.com/ofwfiles.

About the Author

Faye loves the process of becoming. She is a freelance writer, a novelist, a children story teller and a Sped teacher. However, motherhood is her favorite post. She attended San Sebastian College, where she majored in AB Mass Communication and Philippine Normal University majored in Secondary Education. Faye is a licensed teacher.

Comments

comments

Find out More