Miyembro dumagsa sa SSS sa unang araw ng LRP aplikasyon

ofw international

Dumagsa ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa Diliman Branch nito sa Quezon City (itaas na larawan) sa pagbubukas ng Loan Restructuring Program (LRP) na may Penalty Condonation para magsumite ng kanilang aplikasyon na maisaayos ang mga hindi nila nabayarang utang sa SSS.

Ang lahat ng 256 na sangay ng SSS sa buong bansa ay nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon para sa LRP noong Abril 2 ng mga miyembrong hindi nabayaran ang utang gaya ng Salary Loan, Calamity loan, Emergency Loan, Educational Loan (old), Study Now Pay Later Plan, Voc-Tech Loans, Y2K Loans at Investments Incentive Loan.

Para makapag-apply sa LRP, kinakailangan isumite ang nasagutang LRP application form na maaaring i-download sa SSS website ( www.sss.gov.ph), kasama ang dalawang valid na identification cards.

Sa ilalim ng LRP, maaaring bayaran ng buo o hulugan ang prinsipal ng utang kasama ang interes sa ilalim ng isang restructured term na naaayon sa kapasidad ng miyembro. Tatakbo ng anim na buwan ang program hanggang Oktubre. 1.

Sa inset photo, nag-apply ng LRP si Gloria H. Chua, 60, member-borrower mula sa Caloocan City para sa 18-taong utang na hindi niya nabayaran. Binayaran ni Chua ng buo ang kanyang utang upang hindi ito iawas sa tatanggapin niyang pensiyon.

SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon City

About the Author

Kung ikaw ay Overseas Filipino Worker (OFW), migrant worker, o may kamag-anak na nasa ibang bansa, this is your online community. Sa OFW International mo mababasa ang teleserye ng buhay OFW na nakaka-inspire, nakakaiyak at nakakatawa. Nandito din ang mga OFW stories ng pakikipagsapalaran para maabot ang pangarap at mga pagtitiis para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Comments

comments

Find out More