Leaving Your Kids to Work Abroad? Here are Some Tips

OFW parent

Napakasakit sa parte ng isang ina na iwanan ang kanyang anak ng matagal na panahon. Pero dala ng kakapusan sa buhay, marami sa atin ang napipilitang mangibang bansa para maging Overseas Filipino worker.

Kung mommy ka na, being an OFW also means na marami kang taon na mami-miss, lalong-lalo na sa paglaki ng iyong anak. Nandiyan din ‘yung pangamba mo na baka malayo ‘yung loob  ng anak mo sa’yo, or worse: malihis siya ng landas habang nasa malayong bansa ka.

Buti na lang ay high-tech na sa panahon natin ngayon. Sending your love is just one click away. Check out our tips below na siguradong makakatulong para ma-maintain ang closeness niyo ng iyong junakis:

 

1. Talk to your children properly before leaving

Help your children understand kung bakit kailangan mong magtrabaho sa ibang bansa. Kahit bata pa sila, mahalagang i-explain mo sa kanila ng maayos ang lahat ng plano mo. Maging open ka sa kanila, sagutin mo ang lahat ng tanong nila para matanggal ‘yung takot sa isip nila and at the same time, it will make them feel na part sila ng mga plano mo at mahalaga ‘yung opinion nila.

 

2. Make the most out of your days together

Before leaving the Philippines, mag-bonding kayo ng iyong mga chikiting, gumala kayo kung saan-saan, do fun activities together, kasi ‘yung mga moments na ‘yun ang tatatak sa isip nila habang wala ka at lumalaki sila. And whenever you go on vacation, make sure to maximize your time together. Make lots of good memories.

 

3. Keep in touch

Napakahalaga na ma-maintain niyo ang regular communication sa isa’t isa, be it video call, chatting or text messaging, there are endless ways na makakapagparamdam sa kanila na malapit ka lang, kahit malayo ka pa.

 

4. Know and keep track of your children’s activities

Palagi kang magtanong kung ano ‘yung mga nangyari sa araw nila para updated ka pa rin sa mga daily activities nila. Tanungin mo sila kung kamusta ‘yung pag-aaral nila, kung may mga epic moments ba sila n’ong araw na ‘yon, kung may mga importanteng events ka bang na-miss. I-encourage mo sila sa mga gusto nilang gawin and iwasan din na mapagalitan sila, para hindi sila matakot na mag-share sa’yo. ‘Wag kang magsasawang makipagusap sa kanila kasi isa ito sa mga bagay na mas maglalapit sa inyo kahit nasa malayo ka pa.

 

5. Seek help from your partner and family

Bago ka umalis, mag-usap kayo ng masinsinan ni mister at linawin niyo kung anong magiging set-up niyo habang wala ka. Ituro mo rin sa kanya ‘yung mga usual mong ginagawa sa bahay para hindi siya gaanong mabigla sa workload. Kung maiiwan ang mga anak mo sa malalapit na kamag-anak, mas mapapanatag ‘yung loob mo na in good hands mo silang iiwan. At kung napapansin mong may problema ang anak mo, meron ka ring mapagtatanungan at mahihingan ng advice.

 

6. Set a good example

Be a good parent. Kahit na dapat mong iwasan ang mapagalitan sila, dapat ay mapanatili mo pa rin ‘yung tamang pagdidisiplina sa kanila. At habang nagtatrabaho ka sa isang bansa, isa sa pinaka-dapat tandaan ay ang umiwas sa temptasyon. Alalahanin mo ‘yung mga goals na sinet mo bago ka makarating kung nasa’n ka man ngayon. ‘Wag na ‘wag kang gumawa ng kahit anong bagay na makakasira sa pamilya mo.

Mahirap mang maging OFW, kakayanin para sa pamilya! Kaya fight lang nang fight!

 

Kung isa kang Overseas Filipino worker at na-enjoy mo ang post na ito, don’t forget to share it by clicking below! For more tips and stories,  follow us on Facebook at https://www.facebook.com/OFWIntl/, on Twitter at www.twitter.com/ofwfiles and on Instagram at www.instagram.com/ofwfiles.

About the Author

Francine Dela Cruz. a student by day, a binge-watcher by night. A walking irony. In a constant state of confusion and curiosity. Reads books and watches shows like she breathes air. Has a special place in her heart for the Korean and Japanese culture. Lives for memes, puns, and everything dark.

Comments

comments

Find out More