Isang Silip sa Buhay ng Isang Pinay Nurse sa Saudi

Welcome sa bahay ni Kuya este sa buhay ni Ate Cindy! Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Ate Cindy, isang nurse sa Saudi Arabia pero kung ano man ito, swak talaga! Dito sa malupit ngunit magulo niyang video na umabot sa 40,000 views and counting pa, pinakita niya ang tipikal na life ng mga OVERSEAS FILIPINO WORKERS. Kuwelang pinakilala niya ang kaniyang mga housemates na may pabati galore pa sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas habang ginagawa ang mga pang araw-araw nilang buhay. Pinakita rin niya sa video ang kanilang accommodation from basketball court, swimming pool, comfort room, dining at kuwarto— not bad naman ha.

Bentang-benta talaga ang video ni Ate Cindy kaya naman di maawat pati ibang lahi na mag iwan ng mga komento. It only proves na may masasayang ganap rin talaga sa buhay abroad lalo na kung kasama mo sa bahay ay ang iyong kapwa kalahi. Whew, aliw much talaga lalo na sa bubbly personality ni Ate Cindy! Maitatawid mo talaga ang lungkot dala ng pangungulila ng pagiging Overseas Filipino Worker kapag kagaya niya at ng mga kasama niya ang mga housemates mo.

Wish ko lang talaga ay more videos na kagaya nito, ang saya na, inspiring pa! Kudos sa iyo Ate Cindy at sa mga kasama mo, naaliw mo kami!

If you are one of the Overseas Filipino Workers who enjoys watching videos like this, please make sure to follow us on Facebook at https://www.facebook.com/OFWIntl/, on Twitter at www.twitter.com/ofwfiles and on Instagram at
www.instagram.com/ofwfiles.

About the Author

Faye loves the process of becoming. She is a freelance writer, a novelist, a children story teller and a Sped teacher. However, motherhood is her favorite post. She attended San Sebastian College, where she majored in AB Mass Communication and Philippine Normal University majored in Secondary Education. Faye is a licensed teacher.

Comments

comments

Find out More